Aksyon ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal, intentional — S1 Facundo

Aksyon ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal, intentional — S1 Facundo

HomeNews, TV5Aksyon ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal, intentional — S1 Facundo
Aksyon ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal, intentional — S1 Facundo
/”Intentional/” o sinadya — ganito inilarawan ni Philippine Navy S1 #JeffreyFacundo, ang sundalong naputulan ng daliri ang naging aksyon ng China Coast Guard (CCG) sa mga sundalo sa #AyunginShoal noong June 17.

/”Ayaw na nilang magpa-resupply at rotation sa Ayungin. Ayaw kaming paakyatin… para sa akin, ‘yun ang intensyon,/” saad ni Facundo sa pagdinig ng Senado hinggil sa June 17 Ayungin Shoal incident.

Pagdedetalye pa ni Facundo, limang minuto pa lang nilang itinatali ang rigid hull inflatable boat (RHIB) sa Ayungin Shoal nang dumating ang mga Chinese personnel at walang babalang binangga ang kanilang RHIB.

Ikinuwento rin niya kung paano tuluyang naputol ang kanyang daliri dahil sa lakas ng pagbangga ng CCG.

Inamin ng navy man na may dala silang baril na nakalagay sa kahon. Aniya, batay sa kanilang /”rules of engagement/” ay papuputukin lamang ito kung una silang papuputukan ng mga dayuhan. #News5 via Maeanne Los Baños-Oroceo

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^