Appreciation post ng isang graduating student para sa kanyang ama, nag-viral

Appreciation post ng isang graduating student para sa kanyang ama, nag-viral

HomeNews, TV5Appreciation post ng isang graduating student para sa kanyang ama, nag-viral
Appreciation post ng isang graduating student para sa kanyang ama, nag-viral
A FATHER’S LOVE

Nag-viral ang appreciation post ng graduating student na si Angela Benitez para sa kanyang amang si Reynaldo Zetineb. Makikita sa video ang pagluha ng kanyang ama habang humihingi ng pasensya dahil wala aniya siyang mairegalo kay Angela na maari niyang ikagulat o ikasaya.

“Kauuwi ko lang po from work then si Papa po tinawag nya ako sa labas ng bahay. Seeing him crying po kaya umiyak na rin ako without knowing pa po na kaya pala siya umiiyak, hindi nya po alam ‘yung ibibigay nya sa akin na regalo kaya po humihingi siya ng pasensya,” kwento ni Angela sa #News5.

Saad ng dalaga sa kanyang post, “Lagi ko naman pong sinasabi diba mas mahalaga kayo, ‘di mapapantayan ng kahit na anong bagay ‘yung sakripisyo nyo sa amin nung mga bata pa lamang kami, kaya masaya akong naa-achieve ko ng paunti-unti ‘yung mga pangarap ko na kasama kayo. Mahal na mahal ko kayo.”

“Mahal na mahal kita Pa, mahal na mahal ko kayong lahat, si Mama at ang mga kapatid ko kayo ang buhay ko. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo nyo ni mama sa aming magkakapatid simula bata po hanggang ngayon sobrang sarap mabuhay dahil alam kong nandyan kayo para sa aming magkakapatid,” mensahe naman niya sa kanyang ama.

Dagdag pa niya, nang mag-viral ang video, agad niya itong ipinanood sa kanyang ama dahilan para umiyak muli si Tatay Renaldo.

“Matatapos na ako ng pag-aaral Pa, hindi pa rin po ako makapaniwala. Gagalingan ko para makabili na tayo ng sarili nating bahay para hindi na tayo titira ng kalsada. Mahal na mahal ko kayo pamilya,” pangako ni Angela sa kanyang mensahe para sa ama. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^