Bakit nagsara ang CNN Philippines? Patrol ng Pilipino

Bakit nagsara ang CNN Philippines? Patrol ng Pilipino

HomeABS-CBN, NewsBakit nagsara ang CNN Philippines? Patrol ng Pilipino
Bakit nagsara ang CNN Philippines? Patrol ng Pilipino
MAYNILA – Ikinabigla ng marami, maging ng halos 300 empleyado nito, ang biglang paghinto ng operasyon ng CNN Philippines—isa sa iilang news channel sa free TV.

Batay sa financial records ng Nine Media Corporation na nagpapatakbo sa news outlet, nakaranas ang kompanya ng daan-daang-milyong pagkalugi noong 2021 at 2022.

Kabilang sa gastusin nito ang taunang license fee para magamit ang brand ng CNN International na umakyat sa P139.3 million noong 2022.

Sa pahayag ng network, tumataas man ang kanilang kita, nadadagdagan din ang kanilang operating cost.

Bukod sa nawalang trabaho ng mga tauhan ng CNN Philippines, ikinalungkot ng media watchdogs ang pagkawala ng isa pang mapagkakatiwalaang source ng balita at impormasyon para sa Pilipino sa gitna ng disinformation.

Huling araw ng operasyon ng CNN Philippines sa lahat ng platforms nito ngayong Enero 31.

– Ulat ni Jekki Pascual, Patrol ng Pilipino

Follow #PatrolNgPilipino online!
Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino
Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino
TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino
X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino
YouTube: https://bit.ly/43mZH69
Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino
For more news: https://news.abs-cbn.com

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^