‘Catch up day’ tuwing Biyernes para sa pagbabasa ng mga estudyante, ipatutupad simula Enero 2024

‘Catch up day’ tuwing Biyernes para sa pagbabasa ng mga estudyante, ipatutupad simula Enero 2024

HomeNews, TV5‘Catch up day’ tuwing Biyernes para sa pagbabasa ng mga estudyante, ipatutupad simula Enero 2024
‘Catch up day’ tuwing Biyernes para sa pagbabasa ng mga estudyante, ipatutupad simula Enero 2024
Inanunsyo ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na simula Enero 12, 2024, ire-require ang mga paaralan na magsagawa ng catch up day at whole-day reading programs tuwing Biyernes. Tatawagin itong “catch-up Fridays” na layong palakasin ang kasanayan sa pagbabasa ng mga estudyante.

Sa ilalim ng naturang programa, ang mga mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 12 ay magbabasa ng iba’t ibang age-appropriate materials base sa kanilang interes.

“Kailangan natin ng isang araw kung saan kailangan natin humabol doon sa kung saan nating gustong dalhin ang mga bata, dahil hindi pwedeng paulit-ulit na lang tayo sa ating ginagawa pero wala naman tayong nakikitang pagbabago, wala tayong nakikitang improvement sa ating mga learner. Starting January 12, 2024, every Friday will be ‘catch-up Fridays’ particularly for reading,” ayon sa bise presidente. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^