Ayon kay De Vera, isa sa mga long-term na hakbangin na pagtutuunan ng ahensya ay ang pagtatanggal ng 10 taong nursing moratorium kung saan kasalukuyang 54 na unibersidad na ang nag-apply para mag-alok ng programang ito.
Nabanggit din niya ang pagbabawas ng gawain para sa mga nurse para mas makapagpokus sila sa patient care, na kasalukuyan namang inilalapit sa Technical Education and Skills Development Authority #TESDA.
Pagfa-fast track naman ng medical programs ang nakikitang paraan ni De Vera para agarang masolusyunan ang kakulangan sa mga propesor na nakapagtapos ng master’s degree upang makapagturo sa nursing students. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.