Mass transit system, nakikitang solusyon ni PBBM sa traffic

Mass transit system, nakikitang solusyon ni PBBM sa traffic

HomeNews, TV5Mass transit system, nakikitang solusyon ni PBBM sa traffic
Mass transit system, nakikitang solusyon ni PBBM sa traffic
Sa isinagawang Bagong Pilipinas town hall meeting hinggil sa traffic concerns, binigyang-diin ni Pres. Bongbong Marcos na ang mass transit system ang tanging paraan para masolusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Kaya naman, prayoridad aniya ng pamahalaan na mapabuti ang mass transportation system sa bansa.

“Wala talagang solusyon ang traffic kung hindi tayo malipat sa kalsada at mapunta sa mass transit. Kaya tayo naglalagay ng mga subway, naglalagay tayo ng mga tren, ito ay para naman mas madali talaga. Wala nang traffic,” saad niya.

Ipinunto pa ng Pangulo na kahit mga mayayaman sa ibang mga bansa ay sumasakay sa pampublikong transportasyon gaya ng subway dahil mas mabilis aniya ito.

“Kaya’t nakikita natin sa ibang mga lugar, sasakay ka ng subway, makikita mo lahat ng klase ng tao doon sumasakay. Kahit ‘yung mga mayayaman na may kaya, sumasakay sa tren dahil iyon ang pinakamabilis mapuntahan, Kahit na ‘yung mga malalaking siyudad, New York, London, ganoon,” pagbabahagi ni Pres. Marcos Jr. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^