Matandang tinorture umano ng SBSI, isinalaysay ang nangyari taong 2022

Matandang tinorture umano ng SBSI, isinalaysay ang nangyari taong 2022

HomeNews, TV5Matandang tinorture umano ng SBSI, isinalaysay ang nangyari taong 2022
Matandang tinorture umano ng SBSI, isinalaysay ang nangyari taong 2022
Isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang umano’y pag-torture sa 79-anyos na si Pedrito Angcong, dating miyembro ng Soccorro Bayanihan Services Inc. #SBSI, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa umano’y kulto sa Socorro, Surigao del Norte.

Ayon kay Hontiveros, pinahirapan ng mga tauhan ni SBSI Vice Pres. Mamerto Galanida ng isa’t kalahating oras si Manong Pedrito sa harap ng kaniyang pamilya dahil umano kinulam siya ng matanda.

“Dumaplis sa tenga ko ang dalawang bala, dalawang putok. Tapos ginapos ako sa mga kamay ng lubid patalikod. Masikip sa buong katawan ko. Tapos dinala ako at pinagbantaan ni Pedoy,” pagsasalaysay niya.

Dagdag pa ni Angcong, sinuntok umano siya ng hepe ng mga Agila na si Pedoy Buntad sa tagiliran na umabot ang sakit ng apat na araw.

Pagbibigay-diin naman ni Hontiveros tungkol dito, tila walang pinipiling biktima ang mga lider ng umano’y kulto. Nauna na niyang isinawalat ang higit 200 na bilang nga mga namatay na sanggol sa Sitio Kapihan. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^