Naging emosyonal si Makati City Mayor Abby Binay nang ibahagi niya ang kaniyang pagkabahala sa kapakanan ng higit 300,000 residente ng 10 barangay sa kaniyang siyudad na ililipat sa pangangasiwa ng Taguig City sa bisa ng desisyon ng Korte Suprema.
Iginiit ni Binay na hindi aniya kayang tapatan ng Taguig City ang mga benepisyo at serbisyong ibinibigay ng Makati City sa kanilang mga residente.
Pero sa kabila ng hindi pagkatig ng Korte Suprema sa kanilang hiling na baligtarin nito ang desisyon kaugnay ng lipatan ng mga barangay, handa pa rin aniya ang alkalde na ipagpatuloy ang pagtulong at paglilingkod sa /”Makatizens/” na ililipat sa Taguig City. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.