Base sa datos ng Task Force Detainees of the Philippines, higit 5,000 ang ikinulong lalo na ang mga kabilang sa oposisyon.
Ayon sa historyador na si Xiao Chua, marami ang nakaranas ng iba’t ibang uri ng torture tulad ng pambubugbog matapos painumin ng maraming tubig, electrocution, pag-upo sa bloke ng yelo, at panghahalay.
Sa parehong panahon, nagtipon-tipon ang maraming tao sa bukana ng Malacañang sa Mendiola at Welcome Rotonda sa Quezon City para iprotesta ang mga pang-aabuso ng diktadura.
Nagpatuloy ang mga protesta kahit matapos alisin ni Marcos Sr. ang Batas Militar noong 1981.
Sa ngayon, patuloy ang pag-alala sa kabuuang 11,103 na naging biktima ng panto-torture, pagpatay, pagkawala, at ng iba pang uri ng pang-aabuso noong panahon ng Martial Law.
– Ulat ni Izzy Lee, Patrol ng Pilipino
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.