Mga mangingisda sa Masinloc, Zambales, nagpaanod ng higanteng boya effigy

Mga mangingisda sa Masinloc, Zambales, nagpaanod ng higanteng boya effigy

HomeNews, TV5Mga mangingisda sa Masinloc, Zambales, nagpaanod ng higanteng boya effigy
Mga mangingisda sa Masinloc, Zambales, nagpaanod ng higanteng boya effigy
Nagpaanod ng higanteng boya effigy na may nakapintang “Atin ang Pinas” ang isang grupo ng mga mangingisda sa Masinloc, Zambales sa isla ng San Salvador ngayong Lunes, November 6 para kundenahin ang mga agresibong aksyon at patuloy na pangha-harass ng China sa Scarborough Shoal.

“Umaasa sa biyaya ng karagatan, pagkain, hanapbuhay, at kasiyahang dulot ng aming payak na buhay sa isla. Ang patuloy na harassment at agresyon na ginagawa laban sa ating mga mangingisda sa Scarborough [karburo] ay lubos na nakakaapekto sa aming kabuhayan,” pahayag ni Kagawad Richard Pascual ng isla ng San Salvador.

/”Nais ko ring magpasalamat sa aming Mayor Arsena Lim sa patuloy na ayuda sa aming mga mangingisda. Nagpapasalamat din kami sa ating Pangulong Marcos, sa Coast Guard dahil sa patuloy na pagtatanggol sa aming karapatan na mangisda sa karburo,” pagpapasalamat naman ni Pascual. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^