My Puhunan: Kaya Mo!: Takatak boy noon, mega milyonaryo na sa kaniyang build & sell negosyo ngayon!

My Puhunan: Kaya Mo!: Takatak boy noon, mega milyonaryo na sa kaniyang build & sell negosyo ngayon!

HomeABS-CBN, NewsMy Puhunan: Kaya Mo!: Takatak boy noon, mega milyonaryo na sa kaniyang build & sell negosyo ngayon!
My Puhunan: Kaya Mo!: Takatak boy noon, mega milyonaryo na sa kaniyang build & sell negosyo ngayon!
Dalawang taong naging takatak boy ang noo’y 13 taong gulang na si Eric Tiongson.

Halos bihasa na siya sa pagsampa sa mga bus sa EDSA habang ito ay tumatakbo.

Maaga siyang nasabak sa paghahanapbuhay dahil sa hindi maayos na kabuhayan ng kaniyang magulang.

/”1st year high school nagsimula akong magtinda ng sigarilyo niyan sa EDSA. Habang tumatakbo ‘yung bus, tumatalon, trese anyos ako niyan. ‘Yung mga kapatid ko ganu’n din. Nagtitinda kami lahat,/” pagbabahagi niya kay Karen Davila para sa programang /”My Puhunan: Kaya Mo!/”.

Maliit na garahe lang ang naging tahanan nila sa paupahan ng kaniyang tiyahin.

Dahil siyam silang magkakapatid, umabot sa puntong sa mga nakaparadang jeep siya natutulog.

/”Tapos ang liit ng inuupahan namin, halos kasing laki lang ng garahe. Actually garahe ‘yun. Siyam kaming magkakapatid, hindi naman magkakasya ‘yun du’n eh. Du’n kami natutulog sa may mga jeep na nakaparad du’n sa may gilid,/” dagdag niya.

Malaki ang pangarap ni Eric na gumanda ang estado ng kanilang buhay.

Naging OFW siya sa Middle East, bumalik ng Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral at naging empleyado sa isang bangko.

Sumugal ulit siya abroad at naging factory worker sa South Korea hanggang sa naging TNT o tago nang tago sila ng kaniyang misis para makapag-ipon.

Nang mahuli, bumalik sila sa Pilipinas at dito na nabuo ang kabuhayan nila sa /”build and sell/” ng mga bahay.

Alamin kung paano siya naging mega milyonaryo sa negosyo dito lang sa /”My Puhunan: Kaya Mo!/” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.

RELATED LINKS:
1 ‘My Puhunan: Kaya Mo!’: Tinitirhang bahay noon, pinagkakakitaang resort na ngayon
https://news.abs-cbn.com/video/life/09/10/23/tinitirhang-bahay-noon-pinagkakakitaang-resort-na-ngayon
2 ‘My Puhunan: Kaya Mo!’: Empleyado sa bangko noon, fulltime negosyante na ngayon
https://news.abs-cbn.com/video/life/09/10/23/empleyado-sa-bangko-noon-fulltime-negosyante-na-ngayon
3 ‘My Puhunan: Kaya Mo!’: Tinulungan ni Avel Bacudio at ng My Puhunan noon, matagumpay na fashion designer na ngayon!
https://news.abs-cbn.com/video/life/09/10/23/tinulungan-ni-avel-bacudio-at-ng-my-puhunan-noon-matagumpay-na-fashion-designer-na-ngayon

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^