Sa kalagitnaan kasi ng pagmamaneho ng motorsiklo ng lalaki ay napansin niyang nililipad na pala ang pera sa kaniyang bag matapos masira ang zipper nito. Tinatayang nasa P3-4 milyon ang halaga ng nahulog ng pera.
Nanginginig at balisa ang lalaki habang kinakausap ng mga tao matapos ang insidente. Humagulgol pa ito sa iyak at umaasang maibabalik pa ang mga nawalang pera.
Batay sa inventory, P2,083,110 na lamang ang narekober. Halos kalahati ng halaga na bitbit ng remittance collector ang nawala.
/”Ma’am sir, kung sino po ang nakadampot ng pera sa nangyari doon sa SRP, kung puwede isauli n’yo lang po. Hindi kasi sa amin iyon… Nasa milyon po iyon… Maawa po kayo sa akin… Maaari po kayong pumunta dito sa Station 11… Malaki-laki po talaga iyon. Hindi ko alam kung paano ko iyon mababayaran,/” panawagan ni Barrientos.
Para sa mga nakadampot ng pera, maaaring i-turn over ito sa Mambaling Police Station o sa malapit na police station sa kanilasng lugar. #News5 via John Aroa, The Freeman/Romeo Marantal
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.