P125-M na confidential fund ng OVP, kinumpirmang mula sa contingent funds ng OP

P125-M na confidential fund ng OVP, kinumpirmang mula sa contingent funds ng OP

HomeNews, TV5P125-M na confidential fund ng OVP, kinumpirmang mula sa contingent funds ng OP
P125-M na confidential fund ng OVP, kinumpirmang mula sa contingent funds ng OP
Malinaw na kinumpirma ng Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Office of the Vice President na ang P125 milyong confidential fund ng OVP noong 2022 ay nagmula sa contingent funds ng Office of the President.

Ibinigay mismo ito ng opisina kay Albay Rep. Edcel Lagman sa plenary debates ng Kamara para sa panukalang budget ng OVP para sa taong 2024, ngayong Miyerkoles, September 27.

Pagbibigay-diin ni Rep. Lagman, una nilang hinihingi ang kopya sa Department of Budget and Management #DBM ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin aniya siyang natatangggap.

Matatandang una nang kinuwestiyon ng mambabatas kung saan nanggaling ang inilipat na pondo gayong nasa P53 milyon lamang ang pondo ng contingent funds ng opisina ng Pangulo. #News5 I via Marianne Enriquez

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^