Paghiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas, usaping binuksan ni ex pres Duterte

Paghiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas, usaping binuksan ni ex pres Duterte

HomeNews, TV5Paghiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas, usaping binuksan ni ex pres Duterte
Paghiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas, usaping binuksan ni ex pres Duterte
#News5OnTape I ‘MINDANAO SECEDING FROM THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES’

‘Yan ang usaping binuksan ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa isang press conference sa Davao City kagabi, Jan. 30 kasunod ng maugong na usapin ng pagsusulong ng #CharterChange sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Giit din niya, ilang pangulo na ang namuno sa bansa pero wala namang nangyayaring pagbabago.

Si Rep. Pantaleon Alvarez aniya ang una nang nagsulong ng tinatawag na “desirability of Mindanao seceding from the Republic of the Philippines” sa pamamagitan din ng pagkalap ng mga pirma.

Inakusahan din ni Duterte sina First Lady Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez at Pres. Bongbong Marcos na siyang mga nangunguna sa pagsusulong ng pag-amyenda sa Konstitusyon para tumagal sa puwesto.

“Hindi naman rebellion, hindi ‘yan sedition. There’s a process in that, I think before UN where you would gather signatures from all sorts in Mindanao, magpirma. Verified, under oath, in the presence of so many people, decide that we want [to] separate,” paliwanag ni Duterte kaugnay ng kanilang plano sa Mindanao. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^