PBBM, pinangunahan ang vin d'honneur sa Malacañang

PBBM, pinangunahan ang vin d'honneur sa Malacañang

HomeNews, TV5PBBM, pinangunahan ang vin d'honneur sa Malacañang
PBBM, pinangunahan ang vin d'honneur sa Malacañang
Pinangunahan ni Pres. Bongbong Marcos ang tradisyunal na pagsalubong o Vin D’Honneur para sa diplomatic corps sa Malacañang kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan, June 12.
Kabilang sa mga dumalo sa okasyon ay ang mga resident at non-resident ambassador, charge d’affaires, at officers-in-charge (OICs) ng mga embahada mula sa 76 na bansa, pati ang mga pinuno ng 12 international organizations.
/”We engage everyone. We are friends to all and enemy to none,/” sabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati.

Ang Vin D’Honneur ay nagmula sa French practice na ang ibig sabihin ay ‘wine of honor’. Makalipas ang ilang taon sa Pilipinas, ang okasyon ay isinasagawa nang dalawang beses sa isang taon sa Palasyo para markahan ang Bagong Taon at ipagdiwang ang anibersaryo ng Philippine independence.

Gayundin, ikinokonsidera itong isang diplomatic event na nagpapakita ng ‘exchange of toast’ sa pagitan ng pangulo ng Pilipinas at ng Papal Nuncio na siyang Dean ng Diplomatic Corps.

Sa mga Katolikong bansa o ang mga nasyon na naging sakop noon ng Spanish Empire, ang senior diplomat o Dean sa diplomatic corps ay ang Papal Nuncio o ambassador, sa tradisyon. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^