Sa kanyang mensahe, sineguro ng Pangulo ang patuloy na pagbabantay ng pamahalaan at pag-aksyon nito laban sa mga hoarder at smuggler na nagmamanipula ng presyo at suplay ng bigas sa bansa.
Tiniyak niya sa publiko na sapat ang suplay ng bigas sa bansa matapos isa-isahin ang mga hakbang ng pamahalaan kaugnay nito gaya ng Kadiwa ng Pangulo na direktang pinag-uugnay ang mga food producer at consumer, maging ang patuloy na pagsusulong ng modernisasyon sa pagsasaka para madagdagan pa ang ani at suplay ng bigas sa bansa.
Inatasan din niya ang lahat ng mga opisyal at awtoridad na higpitan nang husto ang pagpapatupad ng mga polisiya at batas hinggil sa isyu ng bigas. Hinimok ng Pangulo ang ating mga kababayan na makiisa sa pagsasaayos ng agrikultura at maisakatuparan ang ‘Bagong Pilipinas’ na matatag, maginhawa at panatag.
“Sa Bagong Pilipinas, bawal ang smuggler, bawal ang hoarder at bawal din ang mga mapang-abuso na mga mapagsamantala sa ating bayan. Asahan po ninyo na hindi kami titigil sa pagbuwag sa mga smuggler at hoarder na nagpapahirap sa taong bayan,” pahayag ni Pres. Marcos, Jr. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.