Mula sa pagiging isang simpleng binata na nangangarap maging artista noon nang pasukin ang reality TV series na Protégé, nakakabit na ngayon sa pangalan ni Ruru Madrid ang titulong “Primetime Action Hero.”
Ngayong isa na siyang action star at bibida na siya sa pinakabagong serye sa GMA Telebabad na ‘Black Rider,’ tila isang pagbabalik-tanaw sa kanyang pinagmulan ang makasama si Phillip Salvador sa naturang serye.
Si Phillip Salvador kasi ang mentor ni Ruru noon sa Protégé. Sa pagkinang ng bituin ni Ruru, si Phillip pa rin ang itinuturing niyang mentor sa showbiz.
Sa isang Instagram post nga, ibinahagi ni Ruru ang kanyang pagkilala kay Phillip bilang isa sa mga mahuhusay na action stars ng Philippine cinema. Lubos din daw niyang ikinararangal na makasama sa ‘Black Rider’ ang kanyang mentor na may malaking papel sa kanyang karakter.
Huwag palalampasin ang #BlackRider simula November 6, 8 PM sa GMA Telebabad at GMA Public Affairs’ Facebook/YouTube livestream, 9:40 PM sa GTV.
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream
Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.