Sasakyan sa Moalboal, Cebu, nag 'drive thru' sa loob ng fast food restaurant

Sasakyan sa Moalboal, Cebu, nag 'drive thru' sa loob ng fast food restaurant

HomeNews, TV5Sasakyan sa Moalboal, Cebu, nag 'drive thru' sa loob ng fast food restaurant
Sasakyan sa Moalboal, Cebu, nag 'drive thru' sa loob ng fast food restaurant
Nakuhanan sa isang cellphone video ang pag-andar ng puting sasakyan hanggang sa dumiretso ito sa loob ng fast food restaurant sa Moalboal, Cebu.

Hindi na nakita sa video na may isang customer na naipit sa insidente. Agad naman dinala ang 33-anyos na biktima sa ospital.

Nasa maayos namang kalagayan ang senior citizen na driver ng sasakyan. Walang sakay ang driver sa mga oras na ‘yon.

Sa imbestigasyon ng Moalboal Police Station, napag-alamang imbes na preno ay gasolinador ang naapakan ng driver.

Sa kabila nito, pananagutin pa rin ng management ng fast food chain ang driver ng sasakyan dahil apektado ang kanilang operasyon. Sa ngayon, ina-assess pa ng management ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagbangga ng sasakyan. #News5 via John Aroa

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^