Naniniwala naman ang Senador na malapit nang ma-ban ng tuluyan ang POGO hubs sa bansa. Isinumite na rin niya sa Malacañang ang kaniyang report sa POGO hearings.
“Nakita ko nababahala siya (Pres. Bongbong Marcos) sa POGO dahil sa krimen na lumalabas. Tinanong niya ako at sabi ko, economically wala mawawala sa atin,” ayon kay Gatchalian.
“Ang POGO ay walang kabutihang nadadala sa ating bansa, bagkus krimen at problema lang ang dinadala sa atin. Noong pag-analyze namin ‘yung kita hindi naman ganoong kalaki. Ibig sabihin, hindi tayo mawawalan ng malaking kita kung sila ay nawala. Ang kapalit ‘pag nawala sila ay katahimikan,” dagdag niya. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.