Sen. Gatchalian, sinita ang DepEd

Sen. Gatchalian, sinita ang DepEd

HomeNews, TV5Sen. Gatchalian, sinita ang DepEd
Sen. Gatchalian, sinita ang DepEd
Hindi nakalusot kay Senate Committee on Basic Education Chairman Sen. Win Gatchalian ang sinabi ni Department of Education #DepEd Program Specialist Dr. Rosalina Villaneza na hindi pa kailanman sa kasaysayan ng Pilipinas naging handa at nagkaroon ng sapat na resources sa pagpapatupad ng paggamit ng mother tongue sa mga paaralan.

“An any endeavor, we have to be ready. Here in the Philippines, that’s why we are not progressing because we think we can never be ready or have enough materials. That’s a bad mentality. We should have at least minimum compliance. Kung ganun ang mentalitY, ‘hala bira’ nalang, bahala na,” pagbibigay-diin ng Senador.

Giit naman ni Dr. Villaneza, hindi na aniya makapaghihintay pa ang mga learner.

“This is the right thing to do, let us do it now. kung hindi pa ngayon, kailan? Our learners cannot wait. This is not for us, this is for K-3 learners. Tayo lang ang nag-uusap dito pero dapat nasa puso natin ay ang mga inosenteng bata na ma-develop ang kanilang thinking skills at reasoning skills,” pahayag ni Dr. Villaneza.

Nilinaw rin ni Dr. Villaneza sa pagdinig na ang ideya ng paggamit ng mother tongue o Language 1 (L1) at additional languages ay magsisimula lang sa mother tongue dahil ito ang lenggwahe na mas naiitindihan ng mga bata, pero layunin din aniya ng programang gawing multilingual ang mga mag-aaral.

Base sa mga pag-aaral at pagsusuri, mas malaki ang lamang ng batang nagsimulang mag-aral gamit ang kanyang mother tongue sa lahat ng subjects kumpara sa batang nagsimulang mag-aral ng Ingles na dahil hindi maintindihan ay kinakabisa lamang ang sinasabi ng guro o itinuturo sa klase. #News

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^