Giit naman ni Metropolitan Manila Development Authority #MMDA Acting Chairman Romando Artes, 100% ang capacity at paggana ng mga itinayo nilang 71 pumping stations.
Dagdag pa niya, “ang efficiency ay proven naman po. May ilang instances [lang] gaya ng problema sa sobrang daming basura, napipilitan kami na itigil ang operations para alisin ang basura.”
Hindi naman sang-ayon ang Senadora ukol dito dahil aniya, sa lahat ng ilog sa Las Piñas, ito pang may pumping station ang binabaha. Inireklamo niya partikular na ang pumping station sa Las Piñas-Parañaque River na umano’y nagdudulot lamang ng pagbaha sa lugar.
Suhestiyon ni Sen. Villar, tanggalin na lamang ang naturang pumping station na hindi sinang-ayunan ni Artes dahil lulubog ang buong Metro Manila kapag tinanggal ang mga ito.
Kaugnay nito, agad namang itinanggi ng MMDA na hindi sila ang nag-ooperate ng pumping station na tinutukoy ni Villar.
“Ano ako nag-iimagine?!…Patanggal na ‘yun [pumping station sa Las Piñas-Parañaque River]. Ako na maglilinis ng river. Ako sinisisi ng mga homeowner na wala raw akong ginagawa para linisin ang river,” saad ni Villar.
Para naman kay Public Works and Highways #DPWH Sec. Manuel Bonoan, marahil wala sa pumping station ang problema kaya nagbabaha kundi ang isyu sa pagma-manage ng solid waste disposal. Pagkontra naman ni Villar, likas na sa mga tao ang pagtatapon ng basura sa ilog kaya marapat lamang na isama sa “assumptions” o model sa pag-ooperate ng mga pumping station.
“Ganyan talaga ang mga Pilipino eh, they throw everyday, that’s why in Las Piñas, Bacoor and Parañaque, we clean our river everyday,” dagdag pa ni Villar. #News5 I via Maeanne Los Baños
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.