‘Tagong’ tapsihan sa Cavite, tuklasin Patrol ng Pilipino
MAYNILA — Isang “tagong” kainan sa Kawit, Cavite ang binabalik-balikan dahil sa kanilang iba-ibang silog meals.
Binansagan ng mga customer ang kainan na “Hidden Tapsihan” dahil sa lokasyon nito na tago mula sa main road.
Ayon sa may-aring si Noel Graida, nagsimula ang negosyo sa ideya ng kaniyang nanay na magtinda ng tapsilog sa bahay.
Nakilala ang Hidden Tapsihan sa tulong na rin ng word-of-mouth at lumago na rin sa iba-ibang branch.
Bukod sa kanilang best-seller na tapa, naghahain din ang kainan ng longganisa, tocino, at lechon kawali na sarili nilang gawa at timpla.
—Ulat ni Ganiel Krishnan, Patrol ng Pilipino
Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^