'Tao Po': Dating panadero muling nakakita matapos ang operasyon sa mata

'Tao Po': Dating panadero muling nakakita matapos ang operasyon sa mata

HomeABS-CBN, News'Tao Po': Dating panadero muling nakakita matapos ang operasyon sa mata
'Tao Po': Dating panadero muling nakakita matapos ang operasyon sa mata
Dating panadero si Jolito Tabucanon. Huminto siya sa paggawa ng tinapay nang lumabo ang mata at hindi makakita nang dahil sa katarata.

Pagtitinda ng pandesal ang ikinabubuhay niya nitong huling tatlong taon. Hindi siya nagpapadaig sa kanyang kondisyon at sa halip ay nagpatuloy siya sa paghahanapbuhay sa tulong ng asawa na si Felisa na nagsilbi niyang mga mata.

Sa halagang P300 panindang mga pandesal, kumikita sila ng P80 kapag naubos ang mga ito.

Hiling ni Mang Jolito ang muling makakita. Hunyo 2023 nang simulan ang mga kinakailangang laboratory tests bago ang kanyang operasyon.

July 27 nangyari ang kanyang unang operasyon at makalipas naman ang isang linggo ay isinagawa na ang ikalawang operasyon.

Matapos ang mahigit ilang taong pagkawala ng paningin, natupad ang taimtim na panalangin at hiling ni Mang Jolito na makakitang muli.

– Ulat ni Kabayan Noli de Castro para sa programang Tao Po. (Jan. 21, 2023)

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^