'Tao Po': Mga pinasok na trabaho ni Eric Nicolas bukod sa pagiging komikero

'Tao Po': Mga pinasok na trabaho ni Eric Nicolas bukod sa pagiging komikero

HomeABS-CBN, News'Tao Po': Mga pinasok na trabaho ni Eric Nicolas bukod sa pagiging komikero
'Tao Po': Mga pinasok na trabaho ni Eric Nicolas bukod sa pagiging komikero
Maraming pinasok na trabaho si Eric Nicholas bukod pagiging komikero.

Dati siyang animator ng mga sikat na anime tulad ng Dragon Ball Z at Sailor Moon.

Kumuha si Eric ng kursong Fine Arts sa UST pero dahil sa hirap ng buhay, hanggang 1 st year lang ang natapos niya.

Kwento ni Eric, “walang trabaho ang nanay ko at saka ang tatay ko. Di ako nakapagtapos kasi tumulong ako sa pagpapaaral sa mga kapatid ko. Ginapang ko din ‘yon. ‘Yong isang kapatid ko abogada, isang engineer, isang sa bangko nagtatrabaho sa US, yung isa nurse.”

“Nagtrabaho ako, nag-waiter ako. Naging boksingero ako, nag-train ako pero unang laban ko umayaw ako kasi nahilo ako,” dagdag pa ni Eric.

Kinalaunan, nakapasok siya sa isang comedy bar.

Sa telebisyon naman, nag-umpisa siya sa bilang “jester”, yung nagpapatawa sa mga live audience. Ito na rin ang naging daan para makapasok si Eric sa ibat-ibang kapamilya shows.

Ulat ni Doris Bigornia para sa programang Tao Po. (Jan. 21, 2023)

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^