Tikman ang mga hain ni Fil-Am chef Marge Manzke Patrol ng Pilipino
MAYNILA – Ibinida ng award-winning Fil-Am chef na si Margarita /”Marge/” Lorenzana-Manzke ang dalawa sa kanyang mga restaurant sa Los Angeles, California—ang République at Sari Sari Store.
Noong Hulyo, ginawaran si Manzke ng James Beard Foundation Award na Outstanding Pastry Chef/Baker para sa République.
Naging inspirasyon niya ang mga naging karanasan sa pagtulong sa mga magulang sa dating kainang /”turo-turo/” upang magtayo ng sarili niyang mga restaurant.
Nais din niyang makilala ang Filipino cuisine sa ibang bansa at bigyan ito ng sarili niyang timpla.
— Ulat ni Steve Angeles, Patrol ng Pilipino
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^