Truck na puno ng red peppers sinunog, itinaob sa France

Truck na puno ng red peppers sinunog, itinaob sa France

HomeABS-CBN, NewsTruck na puno ng red peppers sinunog, itinaob sa France
Truck na puno ng red peppers sinunog, itinaob sa France
Sinilaban bago itinaob. Ito ang ginawa ng mga nagprotestang Pranses sa isang trak na puno ng red peppers sa Narbonne, France noong Biyernes (Enero 26).

Umaalma ang mga magsasaka sa France sa hindi patas na kumpetisyon mula sa mga karibal sa mga bansang may mas magaan na regulasyon.

Noong Biyernes, ibinaba ng gobyerno ang mga plano na unti-unting bawasan ang mga subsidyo ng estado sa pang-agrikulturang diesel.

Inihayag din ang iba pang mga hakbang upang bawasan ang mga hamong pinansyal at administratibo na kinakaharap ng mga magsasaka.

Pinanatili ng mga magsasaka ang mga protesta sa buong bansa na humihiling ng mas magandang suweldo at kondisyon ng pamumuhay noong Sabado (Enero 27). Pinalakas din ng gobyerno ng France ang mga hakbang sa seguridad noong Linggo (Enero 28).

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^