3 warehouse sa Guiguinto, Bulacan nasunog

3 warehouse sa Guiguinto, Bulacan nasunog

HomeABS-CBN, News3 warehouse sa Guiguinto, Bulacan nasunog
3 warehouse sa Guiguinto, Bulacan nasunog
GUIGUINTO, Bulacan — Nasunog ang tatlong magkakahilerang warehouse sa Bgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan nitong Martes ng gabi.

Ayon kay FInsp. Joselito Sunga, Deputy Fire Marshall ng Bureu of Fire Protection, Guiguinto, sumiklab ang sunog bago magalas-6 ng gabi sa pabrika na mga produktong plastic ang laman.

Kumalat ang apoy sa katabing warehouse hanggang umabot ito sa pangatlong warehouse.

“Ang may-ari nung isa, plastic dalawang warehouse. Nadamay lang ang isang warehouse na ang laman ay mga diaper,” sabi ni FInsp. Sunga.

Dahil mga plastic ang laman ng nasunog na warehouse, mabilis na kumalat ang apoy kaya umabot ang sunog sa ikatlong alarma kung saan nasa 50 fireturcks ang rumesponde.

Nahirapan ang mga bumbero maapula ang sunog dahil sa toxic fumes mula sa plastic.

“Dahil toxic ito medyo ano sa katawan ito sa mga bumbero. Nahirapan kaming i-penetrate dahil plastic siya. Medyo maapoy talaga. Malalaki yung apoy. Kaya sa labas lang tayo nagbuga ng tubig,” sabi pa ni Sunga.

Problema rin ang kakulangan ng supply ng tubig. Ayon sa BFP, bukod sa kulang, malayo pa ang mga hydrant sa Guiguinto.

Lagpas hatinggabi patuloy ang pagbomba ng tubig ng mga bumbero sa gitna ng warehouse. Idineklarang fire out ang sunog pasado ala-1 ng madaling araw.

“Ginamitan natin ng cooling system wherein binugahan natin yung kapwa pader or wall magkabila para hindi madamay yung kabila. Kasi hazardous materials din yung kabila lona,” kwento ni Sunga

Binugahan din ng tubig ang firewall na kaharap ng residential area para maiwasang tumawid ang apoy.

Kwento ni Michelle Begino, residente sa likod ng warehouse, nangamba siyang abutin ang kanyang bahay.

“Umaano na yung apoy doon po sa may bubong namin eh. Lalo na po nung sumabog yung may tapat ng bintana,” kwento niya.

“Sobrang init po nandun na kami sa kabila ng kalsada… umabot parin doon yung init. Sobrang lakas ng apoy,” dagdag ni Begino.

Walang naitalang patay o nasaktan sa sunog ayon sa BFP. Patuloy pang inaalam ang pinsala at pinagmulan ng apoy.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^