HULI SA CCTV: Panghoholdap sa ukay-ukay sa Digos City; mga suspek, timbog

HULI SA CCTV: Panghoholdap sa ukay-ukay sa Digos City; mga suspek, timbog

HomeABS-CBN, NewsHULI SA CCTV: Panghoholdap sa ukay-ukay sa Digos City; mga suspek, timbog
HULI SA CCTV: Panghoholdap sa ukay-ukay sa Digos City; mga suspek, timbog
Sapul sa CCTV ang panghoholdap sa isang tindahan ng ukay-ukay sa Digos City, Davao del Sur nitong Sabado ng gabi.
Sa CCTV footage ng tindahan sa Aurora Extension, Barangay Zone 3, makikita ang pagpasok ng mga suspek na nakasuot ng jacket at sumbrero.
Tinutukan nila ng baril ang mga empleyado, binasag ang mga estante at tinangay ang mga naka-display na relo.
Ayon sa may-ari, nagkunwaring customer ang mga suspek saka nagdeklara ng holdap. Nasamsam ng mga kawatan ang mga relo na nagkakahalaga lahat ng P650,000, cash na P15,000, at cellphone.
Tumakas ang tatlong suspek lulan ng motorsiklo na walang plaka.
Nagpatupad ng hot pursuit operations ang Digos City Police hanggang madaling-araw.
Ilang oras ang nakalipas, nadatnan ng mga pulis ang mga suspek na nag-iinuman pero nakatakas muli nang huhulihin na sana.
Pero hindi rin tumigil ang mga otoridad hanggang sa nahuli ang tatlong suspek na nakuhanan ng mga baril at granada. Nakatakda silang kasuhan ng robbery.

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^