Lalaki sinaksak habang nakaupo sa kalye sa West Kamias

Lalaki sinaksak habang nakaupo sa kalye sa West Kamias

HomeABS-CBN, NewsLalaki sinaksak habang nakaupo sa kalye sa West Kamias
Lalaki sinaksak habang nakaupo sa kalye sa West Kamias
Dead on the spot ang isang lalaki matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng EDSA, Barangay West Kamias sa Quezon City, alas diyes y medya Martes ng gabi.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki dahil walang ID na nakuha mula sa mga gamit niya.

Sa kuha ng CCTV ng Bgy. West Kamias, makikitang nakaupo sa karton ang biktima. Maya maya pa, lumapit ang salarin sa biktima at kalaunan ay pinagsasaksak ang biktima.

Sa isa pang kuha ng CCTV, bumagsak ang biktima matapos makatakbo ng ilang metro. Agad na tumakas ang salarin.

Ayon sa isa sa nakakita sa biktima, walang sigawan o away silang narinig o nakita bago nangyari ang krimen.

/”Bumibili ako ng kape sa nagtitinda ng kape nung nakita ko siya bumulagta na siya. Wala din sigawan. Wala ako nakita na ganyan eh, na may sumasaksak o na may tumatakbo. Ngayon ko lang din siya nakita dito,/” sabi niya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pananaksak.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^