Mga abaniko naka-ready sa jeep sa CamSur para magamit ng mga pasahero

Mga abaniko naka-ready sa jeep sa CamSur para magamit ng mga pasahero

HomeABS-CBN, NewsMga abaniko naka-ready sa jeep sa CamSur para magamit ng mga pasahero
Mga abaniko naka-ready sa jeep sa CamSur para magamit ng mga pasahero
Dahil grabe ang init, naka-ready ang mga pamaypay sa isang jeep sa Naga City, Camarines Sur.

Nakasabit ang mga abaniko sa hawakan ng jeep at kanya-kanyang kuha ang mga pasahero kapag ramdam ang nakapapason init ng panahon.

Ayon sa tsuper ng jeep na si Larry Formalejo, ito ang kanyang diskarte para matulungan ang mga pasahero to beat the heat, at natutuwa naman siya dahil patok ito sa commuters.

/”Kawawa ‘yong mga pasahero, sir. Sobrang init. Lalo na ‘pag traffic kaya naisipan no’ng regular driver nito na maglagay ng pamaypay diyan,/” ani Formalejo.

Limang taon nang ginagawa ni Mang Larry na maglagay ng mga abaniko tuwing panahon ng tag-init.

Noong Martes, umabot sa dangerous level na 46 degrees Celsius ang heat index sa Camarines Sur, ayon sa datos ng PAGASA.

Una nang nagpaalala ang PAGASA sa publiko na kung maaari ay iwasan muna ang paglabas ng bahay sa pagitan ng alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon upang maiwasan ang heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^