Mga dayuhang gumagamit ng pekeng dokumento para magpanggap na Pinoy, gustong paimbestigahan sa Senad

Mga dayuhang gumagamit ng pekeng dokumento para magpanggap na Pinoy, gustong paimbestigahan sa Senad

HomeNews, TV5Mga dayuhang gumagamit ng pekeng dokumento para magpanggap na Pinoy, gustong paimbestigahan sa Senad
Mga dayuhang gumagamit ng pekeng dokumento para magpanggap na Pinoy, gustong paimbestigahan sa Senad
Naghain ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros para paimbestigahan sa Senado ang implikasyon sa natural security ng mga dayuhang gumagamit ng peke o ilegal na dokumento para magpanggap na Pilipino. Kasunod ito ng mga ulat ng umano’y pagdami ng Chinese students sa mga paaralan sa bansa.

Sa kaniyang Proposed Senate Resolution No. 1001, hinihikayat ni Hontiveros ang Senate Committee on National Defense and Security na ituon ang imbestigasyon sa presensya ng mga dayuhan sa ilang lugar sa bansa na mahalaga para sa ating pambansang depensa.

/”Sa panahong kaliwa’t kanan ang pag-water cannon ng Tsina sa mga Pilipinong barko, siguro naman may karapatan tayong maalarma. Siguro naman hindi masamang magduda,/” paliwanag ng senadora.

/”The Philippines is always open to young people from all over the world who want to study in our schools. It builds dialogue and global exchanges. Pero ibang usapan ‘pag peke ang papeles at cover lang pala ang pag-enroll sa ating mga paaralan,/” sabi pa ni Hontiveros. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^