PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng government assistance sa Iligan City

PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng government assistance sa Iligan City

HomeNews, TV5PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng government assistance sa Iligan City
PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng government assistance sa Iligan City
Bumisita si Pres. Bongbong Marcos sa Iligan City para personal na ipaabot ang tulong mula sa gobyerno sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya na apektado ng El Niño, May 16.

“Kaya nga po ang ginagawa natin ngayon ay sinusuyod natin ang buong kapuluan upang maghatid ng tulong sa mga napinsala ng matinding tag-init at tagtuyot na nangyayari sa El Niño,” ayon sa Pangulo.

Kasama sa probisyon ang tulong pinansyal na nagkakahalagang P10,000 kada benepisyaryo mula Iligan City, Lanao del Norte, at Misamis Occidental. Ang lokal na pamahalaan ng Iligan ay nakatanggap ng P10.5 milyon na presidential assistance, habang ang provincial government ng Lanao del Norte at Misamis Occidental ay nakatanggap ng P13.9 milyon at P24.3 milyon.

Noong nakaraang linggo ay binisita ni Pres. Marcos Jr. ang Zamboanga City, General Santos City, at Sultan Kudarat upang pangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga apektado ng tagtuyot. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^