Vice Ganda, naghatid ng good vibes at premyo sa Maynila

Vice Ganda, naghatid ng good vibes at premyo sa Maynila

HomeABS-CBN, NewsVice Ganda, naghatid ng good vibes at premyo sa Maynila
Vice Ganda, naghatid ng good vibes at premyo sa Maynila
MAYNILA — Nagbigay ng good vibes sa Maynila si Vice Ganda matapos nitong mamigay ng premyo para sa mga kabataang naglalaro ng basketball.

Nitong Miyerkoles, sa video na inilabas ng /”It’s Showtime,/” makikita ang pagtungo ni Vice sa Balik-Balik kung saan saglit siyang nakipaglaro ng basketball bago nagsabing bibigyan niya ng premyo ang unang makaka-shoot ng bola.

Hindi rin umuwing luhaan ang mga natalo dahil binigyan pa rin ito ng pera ni Vice.

Maliban sa P5,000 na ibinigay ni Vice sa nagwagi na si Kian, binigyan niya rin ito ng pera para makabili ng bagong rubber shoes.

Nakilala rin ni Vice ang pamilya ni Kian nang magtungo siya sa bahay nito. Nagdagdagan pa ang tulong na ginawa ni Vice nang bilhin niya ang mga panindang tuwalya ng ina ni Kian at magbigay pa ng budget pang-grocery at pang-ulam ng pamilya para sa mga susunod na araw.

Binigyan din ni Vice ng pera ang mga kapatid ni Kian na ang isa ay magtatapos sa senior high at ang isa naman ay may mataas na grado sa pag-aaral.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.

Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^